Kapag may batang Pilipino na gusto magsimulang magtrabaho, nagugulat ka talaga bilang isang Aleman.
Sa Germany kasi ganito lang: pumirma ka ng kontrata, ibigay mo yung Tax ID at health insurance mo, tapos ayos na. Lahat ginagawa ng employer. Sozialversicherung, buwis, pensyon, lahat automatic. Kung wala kang health insurance, yung employer na mismo ang magre-register sa iyo. Pumasok ka lang.
Dito sa Pilipinas? Kailangan mo munang dumaan sa napakaraming gobierno bago ka kumita ng unang piso mo. Mag-isa mo lahat gagawin: birth certificate sa PSA, NBI clearance, police clearance, barangay clearance, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, TIN, medical certificate, at mga school records. Mga sampu yan na punta dito, punta doon.
Maganda naman at meron na ngayong “First Time Jobseekers Assistance Act” simula 2019, libre na yung mga bayarin para sa mga first time mag-aapply. Magandang hakbang yun. Pero yung pagpipila at pagpunta sa mga opisina, andyan pa rin.
Malaking pagkakaiba, no? Oo naman.
Pero ito yung punto ko: Pilipinas man o Germany, madali man o mahirap ang sistema, pare-pareho lang ang problema ng mga kabataan ngayon. Kailangan gumalaw. Hindi ang papeles ang hadlang. Ang hadlang ay kung babangon ka ba ng umaga at gagawin mo ba talaga. Kahit saan ka pa sa mundo.